Trillanes, tinawag na asong ulol ni Senador Bong Go

Tinawag ni Senador Bong Go na nauulol na aso si dating Senador Antonio Trillanes.

Pabirong sinabi ni Go na nagpa-inject na sila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng anti-rabies para hindi na mahawahan ng pagka-ulol ng Senador.

Tugon ito ng Senador sa pahayag ni Trillanes na mayabang lamang siya at si PRRD dahil nasa kapangyarihan. Pero tiyak na titiklop din kapag wala na sila sa puwesto.


Sa panayam ng media matapos bisitahin ang mga nasunugang pamilya sa Brgy. Igulot Bocaue, Bulacan, sinabi ni Go na ipapakagat na lamang niya si Trillanes kay Panelo.

Aniya ni Go, sa halip na magmayabang ay harapin na lamang ni Trillanes ang kaso niyang inciting to commit sedition.

Aniya, si Trillanes at hindi si Joemel Advincula ang tunay na Alias Bikoy dahil ito lamang ang may kakayahang magplano ng isang maitim na pakana.

Facebook Comments