Dating Mayor ng Mandaluyong na si Atty. Benhur Abalos, umano’y bagong MMDA Chairman

465

Dating Mandaluyong City Mayor Atty. Benhur Abalos, umano’y bagong MMDA Chairman

Naka-post ngayon sa Facebook account ng Laking Mandaluyong Inc. SEC Registered na si Atty. Benhur Abalos na ang bagong pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Batay sa kanilang post, papalitan ni Atty. Abalos ang dating Chairman ng MMDA na si Danilo Lim na matatandaang nasawi dahil sa COVID-19.

Hindi pa naman naglalabas o nagkokomento ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong at ang pamilya Abalos ukol dito.

Kahit ang pamunuan ng MMDA ay tahimik hanggang sa ngayon kaugnay sa nasabing Facebook post.

Facebook Comments