Dating Mayor ng Rodriguez, Rizal, kakasuhan ng kriminal ng isang transport group

Nakatakdang kasuhan ngayon ng kriminal ang dating alkalde ng Rodriguez, Rizal dahil sa pangha-harass nito sa ilang miyembro at opisyal ng isang transport group sa San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Ginang Deltha Bernardo, General Manager ng Common Transport Service Cooperative sa pagdalo nito sa media forum ng National Press Club (NPC) sa Maynila, pinapalayas sila ng dating alkalde na si Cecilio Cruz Hernandez sa kanilang terminal na umano’y pag-aari daw nito.

Pero giit ni Bernardo, nabili nila ang lupa at mayroon silang kaukulang dokumento na nagpapatunay na maaari nilang gawing terminal at garahe ng mga modernong jeep sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng DOTr ang lupa sa San Isidro.


Bukod dito, tila pinapaboran daw ng dating alkalde ang mga kolorum na pampasaherong jeep kaya’t hinaharass ang kanilang mga miyembro kung saan isang Anna Vergara na nagpapakilalang kapatid ni Hernandez ang may hawak ng mga kolorum na PUV.

Hindi din sila makaporma at makapag-reklamo sa City hall dahil ang naka-upong Mayor ay anak ni Hernandez.

Plano rin nilang kasuhan sa Ombudsman ang isang engineer ng City hall na si Alexander Almario at Chairman ng Barangay Isidro na si Karen May Hernandez na anak din ng dating alkalde dahil sa nakiki-alam din ang mga ito sa nabili nilang lupa.

Facebook Comments