*Cauayan City, Isabela*- Dalawang miyembro ng Henry Abraham Command ang boluntaryong isinauli ang mga kagamitang kanilang ginagamit sa kanilang pagtuturo sa mga nahihikayat nilang umanib sa kanilang grupo maging ang ilang mga mahahalagang dokumento.
Sa ginawang pulong balitaan na inorganisa ng Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni P/Col. Ariel Quilang, ito ay may kaugnayan sa nagdaang Cagayan Indignation Rally at ang pinagigting na kampanya upang wakasan ang insurhesiya sa Probinsya.
Inihayag naman ng dalawang rebeldeng nagbalik-loob na ang mga pangunahing materyales ay ginagamit sa pagdodoktrina ng mga mahihikayat ng grupo partikular na ang mga kabataan.
Nakatuon naman ang PNP Cagayan sa kautusan ng Pangulo kaugnay sa EO 70 upang maging payapa, ligtas at maging communist at terrorist-Free Cagayan.
Photo Courtesy: Tirso Gador