Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Deputy Commissioner Of The Bureau Of Customs (BOC) si dating Manila International Container Port (MICP) district collector Vener Baquiran.
Kung maaalala, si Baquiran ay sinibak na noon ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña kasunod ng pagkakasabat sa bilyun-bilyong halaga ng shabu sa mga magnetic lifter sa MICP.
May petsang March 6 ang appointment paper ni Baquiran pero kahapon lang ito nailabas sa media.
Samantala, itinalaga naman bilang Acting Deputy Commissioner for Intelligence Group ng BOC si Retired Brig. Gen. Raniel Ramiro habang deputy Commissioner ng internal Administration Group si Retired Lt. Gen. Donato San Juan.
Ang dalawang retiradong heneral ay former classmates ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerero sa philippine Military Academy.