Dating Miss U 1st runner up Nia Sanchez ng USA, nanawagang huwag ikumpara si Pia Wurtzbach at Catriona Gray

Hindi na daw kailangang ipagkumpara pa sina reigning Miss Universe Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ang panawagan ngayon ni dating Miss Universe 2014 first runner-up Nia Sanchez ng USA.

Nabatid kasi na maraming netizen ang nagsasabing may mahusay daw sumagot si Catriona kaysa kay Pia matapos itong mag-guest sa ilang TV network sa Amerika.


Pero say ni Nia, huwag na daw ipagkumpara pa ang dalawang beauty queens dahil parehas daw itong magaling sa anumang aspeto kung saan iisang bansa din ang pinanggalingan nila.
Dahil dito, may ilan bumatikos kay Nia pero marami naman ang pumuri at sumuporta sa kaniya sa ginawa nitong pagtatanggol sa dalawang Pinay beauty queens.

Facebook Comments