Cauayan City – Boluntaryong sumuko ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga operatiba ng Dupax del Sur Police Station.
Kinilala itong si “Amie”, 53 taong gulang, may-asawa, at dating miyembro ng Venerando Villasillo Command (VVC).
Ayon sa kanya, sumapi siya sa CTG noong siya’y 18 taong gulang dahil sa kahirapan.
Siya ay nagsilbi bilang team leader ng VVC sa ilalim ng pamumuno ni alyas “Solomon” mula 1987 hanggang sa iniwan niya ang grupo noong 1990 dahil sa hirap at pagnanais ng mapayapang buhay.
Si alyas “Amie” ay kasalukuyang nasa kustodiya ng naturang himpilan para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.
Facebook Comments