Dating miyembro ng Komunista sa Cagayan, Sumuko sa Pamahalaan

25

Cauayan City, Isabela- Sumuko sa mga kasapi ng PNP Penablanca katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO at 1st Provincial Mobile Force Company ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Cagayan.

Ito ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng Anti-Insurgency and Community Relation Activities na bahagi ng RTF ELCAC ng rehiyon dos at PTF ELCAC ng Cagayan.


Nakilala ang miyembro na si Vilmer E Ayudan alyas JACK, 26-anyos, at residente ng Calasitan, Sto Niño, Cagayan.

Nabatid na dati itong kabahagi ng Northern Front Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (NFKRCV) command bilang errand boy.

Napagtanto ni alyas Jack na suportahan nalang ang pamahalaan sa kampanya laban sa insurhensiya.

Tiniyak naman ng mga awtoridad ang kaligtasan ng sumukong miyembro at ang mga benepisyong posible nitong matanggap.



Facebook Comments