Foreman ng isang Construction Company, Hinihinalang nalunod sa Karagatan

32

Cauayan City, Isabela- Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang isang Foreman ng Magnetron Construction na hinihinalang nalunod sa karagatang sakop ng Puzo-Rubo beach resort sa Brgy. San Vicente, Sta Ana, Cagayan.

Kinilala ang nawawalang biktima na si Jesus Romero, 34-anyos, binata at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Palawig, Sta Ana, Cagayan.


Agad na nagtungo sa lugar ang pulisya makaraang makatanggap ng impormasyon ukol sa insidente at sinasabing nagkayayaan para magpicnic ang biktima at isa pang nagngangalang Joan Banig, 25-anyos, binata, isang card dealer ng Avalon Casino at katrabaho rin ni Romero.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagdesisyong maligo sa dagat ang dalawa malaking dahilan para tangayin sila ng malakas na hampas ng alon habang maswerte naman na mismong alon ang nagdala sa pampang kay Banig.

Nakipag-ugnayan na rin ang Santa Police Station sa Philippine Coastguard para sa pagsasagawa ng search and rescue operation para sa pagrekober sa katawan ng biktima.

Facebook Comments