Cauayan City, Isabela- Sumuko sa mga awtoridad ang dating miyembro ng Militia ng Bayan na kasapi ng CPP-NPA sa Kalinga Police Provincial Office.
Iprinisenta ito sa harap ng mga miyembro ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Ayon sa report, nagdesisyon ang former rebel na sumuko upang makibahagi sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan at tamasahin ang benepisyo na ipagkakaloob ng LGU.
Si alyas Ligtas/ Bagyan, 58-anyos at residente ng Sitio Dugpa, Barangay Gobgob, Tabuk City, Kalinga ang dating kasapi ng Lejo Cawilan Command Komiteng Larangang Gerilya (KLG) Baggas at kabilang sa listahan ng PSRTG ng Police Cordillera.
Hinimok naman ni PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ang mga miyebro ng komunistang grupo na sumuko na sa pamahalaan at tamasahin ang tulong ng pamahalaan. Gayundin, hinihikayat din ng opisyal ang mga pamilya na tulungan nilang makumbinsing sumuko ang kanilang kaanak.