Ang sumuko ay kinalala na si alyas Anjo, isang magsasaka at residente ng Brgy. Capiddigan, Gattaran, Cagayan.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO2), si alyas Anjo ay nahiyakat na sumali sa makakaliwang grupo ni alyas Ka MIO, Squad Leader ng Anakpawis/Kagimungan noong Nobyembre 2018 matapos pangakuan na tutulungang maiangat ang estado ng pamumuhay at pag-aaralin ang kanyang mag anak.
Siya ay unang nagsilbi bilang kusinero ng mga miyembro ng CTG na pinamumunuan ni Ka Mio na nagdiwang ng pasko sa Brgy. Carupian, Baggao, Cagayan noong Disyembre ng kaparehong taon.
Dagdag niya, noong taong 2019 naman ay pumunta siya sa Brgy. Baraccaoit, Gattaran, Cagayan upang dumalo sa isang Pulong Masa.
Isiniwalat din niya na nakaengkwentro nila ang grupo ng Philippine Marines sa bulubunduking bahagi ng Sta. Teresita, Cagayan noong Marso 2019 kung saan siya ay nagsilbing medic o manggagamot ng grupo.
Ibinahagi din niya na nakaengkwentro ng kanilang grupo ang kapulisan ng Gattaran PS, 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion at Cagayan Provincial Mobile Force Company sa Sitio Rissic, Mabuno, Gattaran, Cagayan kung saan nagtamo ng tama ng bala ang isang Ka Sinag na nagdulot ng kanyang agarang pagkasawi.
Kusang sumuko si Alyas Anjo sa kapulisan upang bawiin ang kanyang suporta sa makakaliwang grupo.
Sinuko din niya sa mga awtoridad ang 12-gauge shotgun na inisyu sa kanya ng grupo.
Ang pagsuko ni alyas Anjo ay resulta ng patuloy ng pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan kontra insurhensiya tulad na EO 70 o NTF ELCAC at dahil din sa pagpapatibay sa relasyon ng kapulisan at komunidad.