Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang itinuturing na Militia ng Bayan sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan para wakasan ang insurhensiya sa bansa.
Boluntaryong isinuko ni John Doe, di tunay na pangalan ang kanyang sarili sa Sto. Niño Police Station para tuluyan ng magbagong buhay.
Batay sa pakikipag-uusap ng mga alagad ng batas, ibinunyag ni Doe na siya ay aktibong miyembro ng Periodic Status Report on Threat Groups na siyang direktang nakikipag-ugnayan sa mga CPP/NPA nitong taong 2016 pagkaraan na manalasa ang Bagyong Lawin.
Ayon sa Sto. Niño Police Station, minabuting isinuko ni Doe ang kanyang sarili upang linisin ang kanyang pangalan na kasama sa listahan ng mga alagad ng batas.
Sa kabila nito, umaapela pa rin ang pamunuan ng pulisya sa iba pang Militia ng Bayan (MB) at Komunistang Grupo na sumuko na sa pamahalaan at mapasailalim sa E-CLIP program ng gobyerno at mamuhay ng normal kasama ang pamilya.