Dating ng AstraZeneca vaccines sa Pilipinas, hindi pa matiyak kung kailan

Inihayag ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na wala pang definite date sa pagdating sa bansa ng mga bakuna ng AstraZeneca na mula sa Covax Facility.

Ayon kay Galvez, itinuturong dahilan dito ay ang pagkakaroon ng global supply shortage.

Ngayong araw sana ang dating ng nasa 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa bansa.


Paliwanag ni Galvez, nauunawaan nila ang hamong kinakaharap ng Covax dahil sa taas ng demand mula sa global community.

Kung kaya’t hindi pa aniya masabi sa ngayon kung kailan talaga maide-deliver ang mga bakuna sa bansa pero umaasa aniya sya na sa unang quarter ng 2021 o hanggang Marso ay darating na ang mga bakuna ng AstraZeneca.

Base sa naging ebalwasyon ng Food and Drug Administration (FDA), umaabot sa 70% ang efficacy rate ng AstraZeneca at tataas ito kapag naibigay na ang 2nd dose makalipas ang 4 hanggang 12 linggo.

Facebook Comments