Dating NTF-ELCAC Spokesperson Antonio Parlade, bagong Deputy Director General ng National Security Council

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Antonio Parlade, bilang Deputy Director – General ng National Security Council.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa ang malakanyang na tapat si Parlade na naglingkod sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa loob ng maraming taon, hanggang sa pagbaba nito sa pwesto.

Naniniwala naman si Roque na makakapag-ambag ng malaki ang tagapagsalita sa pagbalangkas ng mga plano at polisiya na may kinalaman sa National Security.


Agad na nagpaabot ng pagbati ang Palasyo sa bagong assignment ni Parlade.

Matatandaan na ika-26 ng Hulyo ngayong taon, nang magretiro ang dating Southern Luzon Command Chief.

Facebook Comments