Sa kabila ng hindi magandang epekto ng COVID-19 sa mga Pilipino, maganda naman ang naitulong nito sa isang Overseas Filipino Worker dahil nagkaroon ito ng maayos na income.
Sa tulong ng Land Bank of the Philippines (Landbank), muling lumago ang dalawang ektaryang sakahan ni Annie Suela, isang OFW mula Hong Kong.
Ayon kay Suela, una niyang narinig ang programa ng Landbank sa radyo patungkol sa mga programang iniaalok nito sa mga magsasaka kapalit ng mababang interes at simpleng requirements.
Agad na nag-apply si Suela sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) loan program na tutulong sa kaniyang watermelon business sa usaping pinansiyal.
Malaki naman ang pasasalamat ni Suela sa Landbank dahil mabilis na napalago ang kaniyang negosyo at nakapag-loan muli. Kung wala aniya ang Landbank hindi niya alam kung saan magsisimula dahil sa epekto sa pandemya sa bansa.
Para sa mga interesadong humiram ng pang-negosyo sa Landbank sa ilalim ng ACEF loan program, magtungo lang sa pinakamalapit na Landbank Lending Center o Branch nationwide, o tumawag sa Landbank customer service hotline na (02) 8-405-7000.