Lalawigan ng Batanes, Naitala ng ikalawang COVID-19 Case

34

Cauayan City, Isabela- Naitala ang ikalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes matapos lumabas ang resulta ng swab test nito ngayong araw.

Batay sa ipinalabas na ulat ng Provincial Government, isang locally stranded individual ang nagpositibo sa sakit na kasama sa lumapag sa probinsya sakay ng eroplano ng Philippine Air Force noong September 22.

Nananatili namang asymptomatic ang pasyente at nasa maayos na kondisyon ang kalusugan habang nananatili ito sa ‘Sinakan Isolation Unit’ sa bayan ng Sabtang.

Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng mga otoridad sa posibleng nakasalamuha ng positibong pasyente.

Facebook Comments