Dating OFW, pinatay dahil sa nawawalang manok na pula

1553

VIGAN, ILOCOS SUR – Dead on arrival sa ospital ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) matapos barilin ng kapitbahay niya dahil umano sa nawawalang manok na pula.

Kinilala ng pulisya ang biktima si Jennifer Quiton, 40, residente ng Barangay Salindeg sa naturang siyudad.


Batay sa imbestigasyon, nakikipaglamay ang babae nang biglang lapitan ng salaring si Edgardo Quidolit at binaril ito ng tatlong beses sa leeg, Lunes ng gabi.

Agad tumakas ang suspek pero sumuko din sa awtoridad kinalaunan.

Pag-amin ni Quidolot, nagdilim ang paningin niya matapos siyang pagbintangan ng babae na nagnakaw ng alagang manok na pula.

Sa ngayon, nakakulong sa Vigan City Jail ang suspek at sasampahan ng kasong murder.

Facebook Comments

From Advertisers