Dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nakabalik na sa bansa

Nakabalik na sa bansa si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos harangin sa paliparan sa Hong Kong dahil sa umano’y “security threat.”

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airlines Flight PR 307 na sinakyan ni Morales at ng kaniyang pamilya, Martes ng gabi.

Ayon kay Morales, ilang oras siyang hinold ng paliparan sa Hong Kong pero walang maibigay na paliwanag ang mga airport officials kung bakit siya pinigil.


Kalaunan naman aniya ay pinayagan siyang makapasok ng Hong Kong pero nagdesisyon siyang bumalik na lang sa Pilipinas kasama ang kaniyang pamilya.

Giit naman ni Morales, na-frustrated siya sa nangyari lalo at hindi niya natupad ang pangako sa kaniyang mga apo na mamasayal sa Disneyland.

Sabi ng abogado ni Morales na si Atty. Anne Marie Corominas, hindi pinayagang makapasok ng Hong Kong ang dating Ombudsman dahil sa umano’y “security threat.”

Matatandaan noong Marso, kasama si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ay naghain sila ng relamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) dahil sa u s mano’y “crime against humanity” kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments