Dating opisyal ng PDEA na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nakalaya na

Manila, Philippines – Nakalaya na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inaresto noong isang taon sa isang shabu laboratory sa Maynila.

Ito’y matapos katigan ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang depensang lehitimo ang operasyon kung saan siya inaresto.

Binigyang-halaga rin ng DOJ ang mga certification mula sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines at NBI na dati nang tumutulong si Marcelino sa kanilang mga anti-drug operation.


Emosyonal namang nagpasalamat sa pamunuan ng AFP si Marcelino.

Ayon kay AFP-pio Chief Col. Edgard Arevalo – ngayong laya na si Marcelino, pwede na rin itong magbalik-serbisyo.

Bukas naman nakatakdang dalhin ng Public Attorney’s Office ang release order para sa Chinese translator ni Marcelino na si Yan Yi Shou na nakakulong sa camp bagong diwa sa Taguig.

Samantala, ayon kay Sr/ Supt. Enrico Gregor, taga-pagsalita ng PNP-Drug Enforcement Group, iaapela nila ang anila’y maling desisyon ng DOJ.
DZXL558

Facebook Comments