Dating opisyal ng US Navy na pugante sa Amerika, arestado ng Bureau of Immigration

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dating high ranking official ng US Navy na sinasabing wanted sa Amerika dahil sa iba’t ibang krimen.

Kinilala ang American suspect na si Fernando Moroy, 63-anyos, dating Director for Operation ng US Navy Sealift Command.

Si Moroy ay nahaharap sa mga kasong conspiracy, bribery, false statements at obstruction of justice sa Amerika.


Mismong ang US Embassy na ang dumulog sa BI para matunton at maaresto sa Pilipinas si Moroy.

Kinansela na rin ng US government ang passport ni Moroy kaya siya ay isa ng undocumented alien.

Nasa custody na ng BI si Moroy habang hinihintay ang resulta ng kanyang swab test para sa COVID-19.

Facebook Comments