AWOL na pulis patay sa pamamaril sa Imus Cavite

95

Nasawi ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin sa Brgy. Malagasang, Imus City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Arnel Olguera, 43 anyos, Absence without Official Leave o AWOL sa PNP.

Sa ulat ng pulisya, alas -5:45 ng hapon kahapon habang nagbebenta ng pagkain sa harap ng kanilang bahay sa Green State Subdivision kasama ang kanyang anak na lalaki.

Biglang dumating ang nakamotorsikong mga suspek at pinagbabaril ang biktima hanggang sa mamatay.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Facebook Comments