Dating Ozamis City Councilor Ardot Parojinog, walang sakit nang dalhin sa Ozamis Police Station ayon sa PNP

FILE PHOTO

Maayos ang kondisyon ng katawan ni dating Ozamis Councilor Ardot Parojinog nang ibiyahe ito mula sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) bago ilipat sa Ozamis Police Station.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, binigyan ng medical team ng fit to travel si Parojinog at ligtas itong bumiyahe kahapon kasama ang mga escort na pulis.

Pagdating naman ng Ozamis ay sumailalim din ito sa panibagong check-up.


Sinabi ni Banac na sa ngayon, wala pa silang alam kung may sakit ba si Parojinog pero kasama ito sa tinitingnan sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Nabatid na kaninang alas-6:00 ng umaga, natagpuan na lang na patay sa loob ng kanyang detention facility si Parojinog.

Walang senyales ng “violence” o pananakit ang nakita sa inisyal na findings ng PNP.

Si Ardot Parojinog ay kapatid ni dating Ozamis Mayor Reynaldo Aldo Parojinog na napatay sa raid na ikinasa noong 2017.

Tumakas ito pero naaresto sa Taiwan at naibalik sa Pilipinas noong July, 2018.

Facebook Comments