Ilang buwan matapos ang halalan noong 2022, diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) si Palawan gubernatorial bet Joel Reyes na may warrant of arrest dahil sa pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega.
Tumakbo si Reyes sa pagka-gobernador noong halalan ngunit natalo ito kay Palawan Governor Victorino Dennis Socrates.
Ayon sa COMELEC 2nd Division, bagama’t natalo na si Reyes ay nararapat pa rin itong idiskwalipika at hindi basta-basta dapat ituring na moot and academic ang kaso, alinsunod sa sinabi ng Korte Suprema na ang disqualification case ay nagpapakita pa rin ng isang makatuwirang isyu na dapat lutasin ng komisyon.
Nadiskwalipika si Reyes kasunod ng petisyon nina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgal, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at RA. No. 7160 o Local Government Code of 1991.