Dating pangulo ng Zimbabwe na si Robert Mugabe, binigyan ng immunity

World – Binigyan ng immunity sa anumang kaso ang dating pangulo ng Zimbabwe na si President Robert Mugabe at ang kanyang asawa.
Sa pahayag ng Zimbabwe defense force, layon lamang nito na matiyak ang kaligtasan ng mag-asawa habang pinayagan silang manatili sa kanilang bansa.

Nabatid na bumaba sa pwesto ang 93-anyos na si Mugabe matapos ang halos ilang linggong kaguluhan mula ng patalsikin ang Bise Presidente na si Emmerson Mnangagwa para ipalit ang kaniyang asawa.

Facebook Comments