Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Leila De Lima angmga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Pangulong NoynoyAquino.
Ito ay makaraang ihayag ni President Duterte na si Aquinoat mga opsiyal ng administrasyon nito ay mali ang paggamit sa DisbursementAcceleration Program o DAP fund.
Giit ni De Lima, ginagamit lang na ni Duterte si Aquino nascapegoat o mapagbubuntunan ng sisi o kaya naman ay pantakip sa kanyang mgakapalpakan.
Ayon kay De Lima, mukhang ang pampalipas oras na ngayonni Duterte ay ang paghahanap ng scapegoat.
Ito ay sa harap aniya ng pagkondena na inaani ni PresidentDuterte mula sa international community kaugnay sa kanyang ikinasang gerakontra illegal drugs.
Dagdag pa rito ayon kay De Lima ang isyu ng korapsyon,awayan at pagkakahati hati na bumabalot sa mga ahensya ng gobyerno.
Ang nabanggit na inaasal ngayon ng pangulo ayon kay De Limaay marka ng isang taong mapanlinlang at malayo sa katotohanan o tamang landas.
Dating Pangulong Aquino, ginagamit lang ni P-Duterte na scapegoat
Facebook Comments