Manila, Philippines – Iniutos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain ng kasong criminal laban kay dating pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Director General Alan Purisima at dating PNP SAF Director Getulio Napeñas kaugnay sa karumal-dumal na mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 na SAF troops.
Kasong Usurpation of Authority, at paglabag sa Anti-graft and corrupt practices act ang isinampa sa Sandiganbayan ng Ombudsman.
Pinagbatayan ng mga paghahain ng asunto laban sa dating Pangulo ay ang pag-apruba at kapabayaan ni Aquino sa operasyon sa Oplan Exodus at ang pagpapahintulot kay Purisima na manguna at magmando sa operasyon kahit suspendido ito.
Giit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dahil sa impluwesya ni Pangulong Aquino kaya nagawang makialam pa rin ni Purisima at ito umano ay malinaw na basehan na may probable cause para kasuhan ito.
Matatandaan na noong January 24, 2015 nang ilunsad ang oplan exodus para arestuhin ang International terrorist na si Zulkifli Bin Hir Alyas Marwan at si Ahmad Akmad uson sa Mamasapano, Maguindanao.