Dating Pangulong Duterte, nilinis ng DOJ sa Percy Lapid slay case

Walang nakitang ebidensya ang Department of Justice (DOJ) na mag-uugnay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Percy Lapid killing.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, haka-haka lamang ng mga kritiko ng dating administrasyon na posibleng may kinalaman sa nasabing krimen ang dating pangulo.

Sinabi ni Remulla na maging ang mga testigo ay walang nabanggit na pangalan ng dating presidente.


Sa kabila nito, sinisilip naman ng DOJ ang anggulo na posibleng may iba pang mastermind sa Lapid killing bukod kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Tinutukoy na rin ng DOJ at ng Anti-Money Laundering Council ang pinagmulan ng pera na pinambayad kay Joel Estorial na gunman sa Percy Lapid slay case.

Facebook Comments