Dating Pangulong Erap Estrada at dating Sen. Loi Ejercito-Estrada, kinilala sa Senado

Binigyang pagkilala at parangal ng Senado si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at ang asawa nitong si dating Senator Loi Ejercito Estrada para sa kanilang serbisyo at kontribusyon sa bansa.

Pinagtibay ng mataas na kapulungan ang Senate Resolution 1296 kung saan halos lahat ng mga senador ay nagbigay ng pagpupugay kina Erap at Loi.

Inilarawan ni Senate President Chiz Escudero si Erap bilang isang lider na nagtaguyod ng interes ng masa at ipinaglaban ang soberenya habang si Loi naman ay maraming taon na naglingkod sa bayan.

Si Erap ay naging ika-13 Pangulo ng bansa mula 1998 hanggang 2001, nagsilbi rin noong Bise Presidente mula 1992 hanggang 1998, senador mula 1987 hanggang 1992 at Alkalde ng Maynila mula 2013 hanggang 2019.

Si Sen Loi naman ay nagsilbi bilang senador mula 2001 hanggang 2007.

Facebook Comments