
Makikiisa ang Pilipinas sa gaganaping ika-5 Multilateral Naval Exercise Komodo sa Bali, Indonesia mula February 15 hanggang 22, 2025.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain John Percie Alcos, magpapadala ang Fleet-Marine Ready Force ng isang Naval Task Group kasama ang BRP Ramon Alcaraz (PS-16) upang lumahok sa iba’t ibang surface at non-warfare-related events.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kooperasyon ng mga bansang kalahok sa maritime security operations at humanitarian assistance and disaster response.
Samantala, sinabi naman ni Phil. Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na malaki ang posibilidad na makikilahok din ang tatlong barkong pandigma ng China na na-monitor na tumawid sa ating archipelagic waters, batay sa direksyong tinahak ng mga ito palabas ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).