Dating Pangulong Estrada, muling ibinalik sa ICU matapos mag-fluctuate ang blood pressure

74

Kinumpirma ni dating Sen. Jinggoy Estrada na ibinalik muli sa ICU o Intensive Care Unit ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ay dahil sa pag-fluctuate o pagtaas at baba ng blood pressure nito.


Aniya, ang bacterial lung infection ng dating pangulo ang dahilan ng pag-fluctuate ng presyon ng dugo nito.

Sa ngayon aniya, stable naman ang kalagayan ng ama at ito ay naka-high flow oxygen support.

Kaugnay nito, muling humiling ng panalangin sa publiko ang pamilya Estrada para sa agarang paggaling ng dating pangulo at ng lahat na tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments