Posibleng managot sina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo sa kwestyunableng kontrata na pinasok ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat muna mapatunayan na may nangyaring conspiracy o sabwatan sa pagitan nina Ramos at Arroyo.
Kung hindi naman aniya mapatutunayan, tiyak na abswelto ang dalawang Dating Pangulo.
Matatandaang nilagdaan ang Water Concession Agreement noong 1997 sa ilalim ng Administrasyon ni FVR, at mapapaso sa 2022, pero na-renew ito sa Arroyo Administratio noong 2009 at pinalawig pa ng 15-taon.
Sa ngayon, tuloy aniya ang pag-aaral ng Department of Justice (DOJ) sa kontrata ng dalawang Water Concessionaire.
Facebook Comments