PRRD, isasapubliko ang sulat na natanggap mula sa dalawang Water Concessionaires

Nakatakdang ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang mga sulat na ipinadala sa kanya ng dalawang Water Concessionaires.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi binanggit ng Pangulo kung kailan babasahin ang mga sulat.

Pero ang mga sulat ay may petsang December 10 na hiwalay na pinirmahan nina Maynilad Chairperson Manny Pangilinan at Manila Water Chairperson Fernando Zobel De Ayala.


Sinabi ni Panelo na nais ng Pangulo ng transparency at ipakita sa publiko kung ano ang mga hakbang ginagawa ng gobyerno para resobahin ang isyu.

Nakasaad sa sulat na nanawagan ang Maynilad at Manila Water sa Pangulo na i-revisit ang Concession Agreement para sa pag-amyenda o rebisyon ng mga probisyon na sinasabing dehado ang gobyerno at taumbayan.

Facebook Comments