Dating Pangulong Fidel Ramos, nanawagan kay Pangulong Duterte na dapat isulong ang code of conduct na obligadong susundin ng mga bansang umaangkin sa iba’t ibang bahagi ng South China Sea sa ASEAN summit

Manila, Philippines – Nanawagan si dating Pangulong Fidel Ramos kay Pangulong Rodrigo Duterte na isulong sa ASEAN Summit ang isang code of conduct na obligadong susundin ng mga bansang umaangkin sa iba’t ibang bahagi ng South China Sea.

Ayon pa kay FVR – bilang chairman ng ASEAN, dapat ding talakayin sa summit ang freedom of navigation at karapatan ng mga mangingisda.

Maging si dating DFA Secretary Albert Del Rosario ay sinabing hindi dapat sayangin ng Pilipinas ang pagkakataon bilang ASEAN chairman para igiit ang pagkilala sa naipanalong kaso ng bansa laban sa China.


Dapat din aniyang isaalang-alang ang naipanalong kaso ng pilipinas sa binubuong framework ng code of conduct na siya namang tinututulan ng China.
DZXL558

Facebook Comments