Reklamong isinampa laban kay Pangulong Duterte at sa iba pang opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court, walang kapupuntahan ayon sa Malakanyang

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na walang kapupuntahan ang reklamong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella – kikilos lamang ang ICC kapag nagawa na ang lahat ng sa Pilipinas na hindi naman nagawa ni Atty. Jude Sabio na abogado ni DDS hitman Edgar Matobato.

Naniniwala si Abella na itinaon lamang sa idaraos na ASEAN Summit ang pagsasampa ng kaso laban sa pangulo para makagawa ng negatibong balita habang ginagawa ang okasyon sa bansa.


Binigyang diin pa ni Abella na malinaw ang layunin ng nasabing reklamo at iyon aniya ay para ipahiya si Pangulong Duterte sa international community.
DZXL558

Facebook Comments