Dating Pangulong Joseph Estrada, nailipat na sa regular na kwarto matapos magnegatibo sa COVID-19

199

Negatibo na sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada, unti-unti nang gumaganda ang lagay ng kalusugan ng kaniyang ama na nailipat na sa regular na kwarto mula sa Intensive Care Unit (ICU).


Gayunman, sinabi ni Jinggoy na kailangan pa ring nasa high flow oxygen support ang ama.

Pinayagan na rin ito ng mga doktor na ituloy ang soft diet.

Nagpapasalamat naman ang dating senador sa mga nanalangin para sa agarang paggaling ng dating pangulo.

Facebook Comments