Hidilyn Diaz, dumating na sa Uzbekistan para sa kaniyang paghahanda sa Tokyo Olympics

63

Dumating na sa Tashkent, Uzbekistan ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz para sa isasagawang qualifiers ng Tokyo Olympics.

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, hindi kailangang mangibabaw ni Hidilyn sa torneo para makakuha ng Olympic spot sa Women’s 55-kilogram division.


Tatapusin lamang aniya ni Hidilyn ang torneo para pormal na makakuha ng slot at makapaglaro sa Olympics na magsisimula sa Hulyo 23 sa Tokyo.

Gagawin ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan mula Abril 16-25.

Facebook Comments