MANILA – Sinampahan ng reklamo sa Ombudsman si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at anim na iba pa, kabilang ang mga dati niyang Gabinete.May kinalaman ito sa shipment ng $141 billion na halaga ng ginto papuntang Thailand.Kabilang din sa kinasuhan sina dating Justice Secretary at ngayon ay Senator Leila De Lima, Dating Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr., Dating Finance Secretary Cesar Purisima, Treasury Department Chief Dealer Lorelei Fernandez at Senator Franklin Drilon.Ang reklamo ay kaugnay ng circular ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsasaad ng shipment ng 3,500 metric tons ng ginto na idineposito sa bank of Thailand.Sa inihaing reklamo ni Rogelio Cantoria at Atty. Fernando Perito, dapat umanong maibalik ang gold bars sa BSPSina Aquino, De Lima, Roxas, Tetangco, Drilon at Purisima ang nag-apruba ng certification ng shipping noong December 2014.Hindi naisapubliko ang nasabing shipment papuntang Thailand pero noong June 11,2 016, isang Rolando Polosan ang nag-post sa kaniyang facebook account ng kopya ng memorandum circular at larawan ng mga gold bar.
Dating Pangulong Noynoy Aquino At Anim Na Iba Pa, Kinasuhan Sa Ombudsman
Facebook Comments