Prusisyon Ng Replica Ng Itim Na Nazareno, Sisimulan Na Bukas

42

MANILA – Magsisimula na bukas ang prusisyon ng replica ng itim na Nazareno.Sa ganap na alas-2:00 ng hapon (January 7) ay magsisimula ang prusisyon na mula sa Plaza Miranda, paikot sa iba’t ibang kalye ng Maynila at pabalik sa Plaza Miranda.Batay sa abiso ng MMDA o Metro Manila Development Authority, aabot sa 2.29 kilometers ang rutang tatahakin ng prusisyon.Kabilang sa mga kalyeng daraanan ng prusisyon ng replika ng itim na Nazareno ang Quezon Blvd., Gil Puyat, Evangelista St., Recto Ave., Loyola St., Bilibid Viejo, Guzman St., Hidalgo St., Barbosa St., Globo De Oro, Palanca St., Villalobos at Balik sa Plaza Miranda.

Facebook Comments