Manila, Philippines – Pinakokomento ng Office of the Ombudsmansi dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pa kaugnay sa motions forreconsideration na inihain ng mga complainant kaugnay sa imbestigasyon sa DisbursementAcceleration Program o DAP
Binigyang ng Ombudsman sina Aquino, dating DBM Secretary ButchAbad at iba pang partido na maghain ng komento sa loob ng labing limang araw.
Nag-ugat ang kaso sa paglalabas ni Abad ng NationalBudget Circular no. 541, noong Aquino administration, na nagbunsod saimplementasyon ng kontrobersyal na DAP na aabot sa 72 billion pesos.
Matatandaang sa unang desisyon ng Ombudsman hindi kasamasi Aquino sa DAP case at si Abad lamang ang isinama.
Batay pa sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang naturangcircular ay labag sa batas dahil mistulang sinakop ang kapangyarihan ngkongreso na i-modify ang mga probisyon sa savings sa 2012 GeneralAppropriations Act o GAA .
Taong 2014 nang ideklara ng Korte Suprema naunconstitutional ang DAP, at ipinatigil ang implementasyon nito.
Dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pa kaugnay sa motions for reconsideration na inihain ng mga complainant kaugnay sa DAP, pinakokomento ng Ombudsman
Facebook Comments