Manila, Philippines – Pinakokomento ng Office of the Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pa kaugnay sa Motions for Reconsideration na inihain ng mga complainant kaugnay sa imbestigasyon sa Disbursement Acceleration Program o DAP.
Binigyang ng Ombudsman sina Aquino, dating DBM Secretary Butch Abad at iba pang partido na maghain ng komento sa loob ng labing limang araw.
Nag-ugat ang kaso sa paglalabas ni Abad ng National Budget circular no. 541, noong Aquino Administration na nagbunsod sa implementasyon ng kontrobersyal na DAP na aabot sa 72 billion pesos.
Matatandaang sa unang desisyon ng Ombudsman hindi kasama si Aquino sa DAP case at si Abad lamang ang isinama.
Batay pa sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang naturang circular ay labag sa batas dahil mistulang sinakop ang kapangyarihan ng kongreso na i-modify ang mga probisyon sa savings sa 2012 General Appropriations Act o GAA.
Taong 2014 nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP, at ipinatigil ang implementasyon nito.
Nation”