Manila, Philippines – Nakipagkita si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga miyembro ng Liberal Party matapos mapatalsik ang apat sa kanilang partido sa kani-kanilang mga chairmanship sa senado.
Dumating si Aquino alas-11 ng tanghali sa isang cafe sa Tomas Morato Avenue kung saan naroon din sina LP Senators Franklin Drilon, Francis "Kiko" Pangilinan, House Deputy Speaker Miro Quimbo at Albay Representative Edcel Lagman.
Ayon kay dating P-Noy, ipauubaya na lamang niya kay LP President Pangilinan na magsalita hinggil sa magiging desisyon ng kanilang partido.
Matatandaang pinatalsik sina Senators Risa Hontiveros, Drilon, at Bam Aquino sa kani-kanilang mga chairmanship matapos itong hilingin ni Senator Manny Pacquiao.
Sinabi naman ni Pangilinan na wala siyang nakikitang masama sa pagiging oposisyon dahil bahagi ito ng demokrasya ng bansa.
tags: luzon, manila, DZXL, DZXL558, RMN News Nationwide: "The Sound of the Nation, Kiko Pangilinan, Franklin Drilon, Liberal Party, Noynoy Aquino (P-Noy), Edcel Lagman