Manila, Philippines – Kinampihan ni dating Pangulong Fidel Ramos si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang paghahain noon ng kaso laban sa China sa arbitral tribunal.
Ito ay matapos sisihin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naging desisyon ni Aquino sa paglala ng tensyon sa China at pagtatayo ng istruktura sa West Philippine Sea.
Ayon kay Ramos – tama ang ginawang pagsasampa ng reklamo o protesta ni Aquino laban sa isang bansa sa international tribunal kung lumabag ito sa international law o covenant.
Aniya, kahit pa totoong ang arbitration case ng Pilipinas ang nagtulak sa agresibong hakbang ng Beijing sa West Philippine Sea, mali pa rin na ibaling ang sisi kay Aquino dahil ang protesta ay nakatuon dapat sa China.
Facebook Comments