Dating Pangulong Noynoy Aquino, nakalabas na sa ICU

681

Lumabas na sa Intensive Care Unit o ICU si dating Pangulong Noynoy Aquino matapos siyang dalhin sa Makati Medical Center.

Ayon sa tagapagsalita ni Aquino, na si Abigail Valte, humiling si Aquino na ilipat sa isang regular room.


Aniya, mananatili pa rin sa ospital ang Dating Pangulo dahil marami pang isasagawang test para sa kanya.

Muli ring itinanggi ni Valte na sumailalim sa Heart Surgery si Aquino.

Tiniyak ni Valte na nananatiling maayos ang kalusugan ng Dating Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers