Dating Pangulong Noynoy Aquino, nakapaghain ng motion for reconsideration

Manila, Philippines – Inalmahan naman ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang paratang na walang nagawa ang kanyang administrasyon para lutasin ang problema sa iligal na droga.

Ayon kay Aquino – sa ilalim ng kanyang termino, napababa niya sa tinatayang 1.3 million ang drug users mula sa dating 1.7 million.

Aminado naman si Aquino na tumaas ang bilang pagdating ng 2015.


Sa isyu naman ng Extra Judicial Killings, dapat aniyang mahuli ang salarin para masabing tagumpay ang kampanya kontra krimen.

Matatandaang nakapaghain na ng motion for reconsideration ang dating pangulo kaugnay ng kasong Usurpation of Authority at graft na ipinasasampa laban ng Ombudsman.

Facebook Comments