Dating PBA player na si Dorian Peña, nagpositibo sa droga

Manila, Philippines – Nagpositibosa drug test ang dating PBA player na si Dorian Peña sa kabila ng pagtangginiya na gumagamit siya ng droga.
 
Ayon kay National Bureauof Investigation Task Force on Anti-Illegal Drugs Chief Atty. Ross JonatahanGalicia, parokyano rin ng mga celebrity, dayuhan at kilalang personalidadangpinagkukunan ni Peña ng droga.
 
Aniya, guerrillastyle o palipat-lipat ng lugar ang operasyon ng drug den para maka-iwas sa hulisa tuwing magpapabatak shabu sa kanilang mga high profile client.
 
Tumanggi naman si Galiciana pangalanan ang mga personalidad na suki ng drug group.
 
 
Sa tulong ng impormante,nahuli sa buy bust operation ng NBi sina Jose Paolo Ma. Ampeso at Ledy MeaVilchez, na utak ng drug group sa Mandaluyong noong Miyerkules.
 
Kasama rin sa mgadinampot si Peña na itinangging sangkot siya sa illegal drug trade atidinahilan na naroon lang siya sa ni-raid na bahay para magpagawa ng computerat makigamit ng Wi-Fi.
 
Nabatid na si Vilchez angkumakausap sa mga dayuhang kliyente ng grupo tulad ni Peña.
 
Samantala, sumasailalimna sa forensic examination ang mga cellphone ng dalawang suspek paramatukoy kung saan nanggagaling ang mga droga at para makilala ang mga kliyenteng mga ito. 
 
 

Facebook Comments