Mamahaling disco strobe light, ninakaw sa isang bar sa Quezon City

Manila, Philippines – Ninakawng tatlong lalaki ang isang disco strobe light sa isang gay bar sa BarangayBagbag, Quezon City.
 
Ayon sa empleyado ng barna si Peachy Misa, napansin na lang nila na wala na doon yung ilaw.
 
Sa kuha ng CCTV camerang barangay, sumalakay ang tatlong lalaki sa bar nang magsi-uwian na ang mgaempleyado.
 
Nagsilbing lookout angdalawa sa mga suspek habang ang isa sa kanila’y pumasok sa compound ng bar.
 
Matapos ang ilang minutoay lumabas na ang lalaki dala-dala ang disco strobe light naghahalaga ng hindibababa sa P10,000.
 
Bukod sa strobe light,nawala rin ang mga personal na gamit ng mga empleyado ng bar.
 
Ayon kay LeopoldoMusnit, Executive Officer ng Barangay Bagbag, modus ng mga suspek na pasukin atpagnakawan ang mga establisyimentong walang CCTV.
   
Sinabi naman ni QuezonCity Police District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, napinaplano nangdagdagan ng tatlong pang police station sa lungsod para maiwasan ang ganitongmga klase ng krimen.
 
  Bagama’t nabawasan angbilang ng mga krimen sa lungsod, paalala ni Eleazar na importante pa rin angkoordinasyon ng bawat barangay at pulisya.
   
 
   

Facebook Comments