Dating PCSO chairman, inabsuwelto ng Korte Suprema sa kasong malversation

Inabswelto ng Supreme Court ang dating Chairman ng PCSO na nauna nang kinasuhan ng malversation sa Sandiganbayan dahil sa kuwestyunableng paggamit ng P13.3-million na intelligence fund ng ahensya.

 

Partikular na na-abswelto si dating PCSO Chairman Sergio Valencia sa kasong malversation.

 

Kapwa akusado ni Valencia sa kaso ang noo’y dating Pangulong Gloria Arroyo na na-abswelto na ng korte.


 

Ayon sa SC, Dahil sa parehong impormasyon lamang ang inihain ng prosekusyon laban kina ginang Arroyo, at kay Valencia marapat na ito rin ang gamiting ruling sa petisyon ni Valencia na kumukwestyon sa desisyon ng Sandiganbayan na nag-didiin sa kanya sa malversatsion case.

 

Ayon sa SC, nagkaroon ng grave abuse of discrestion ang Sandiganbayan.

 

July 26, 2011 nang sampahan ng kasong plunder, malversation of public funds, at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sina Ginang Arroyo kasama na si Valencia dahil sa sinasabing maanomalyang cash advance nito para sa confidential intelligence fund o CIF ng PCSO na aabot sa P13.3-Million.

 

Naghain si Valencia ng demurrer to evidence para maibasura ng kaso laban sa kanya sa paniwalang nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkamal siya ng nakaw na yaman.

 

 

 

Facebook Comments