Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkakasangkot nito sa pananambang at pagpatay sa isang abogado sa Cebu noong November 2020.
Partikular ang pagkakapatay kay Atty. Joey Luis Wee at ang kasong frustrated murder sa isang James Gupana na kinasasangkutan ni Retired Colonel Edwin Layese.
Si Gupana ay binaril ng riding-in-tandem habang nasa bahagi ng Brgy. Pajac, Lapu-lapu City noong October 2020.
Ayon sa NBI, magkatugma ang pamamaraan ng pagpatay sa dalawa at ang mga personalities sa dalawa krimen.
May hawak din ang NBI na documentary, electronic at testimonial evidence na nag-uugnay kay Layese sa pagpatay kay Wee.
Nasa custody na rin ng NBI ang isang dating militar na sinasabing gunman sa Wee slay case at una na nitong tinuro si Layese na aniya’y utak sa krimen.