Dating PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, planong taasan ang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens sakaling maluklok sa senado

Plano ni senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazar na taasan ang natatanggap na pensyon ng mga indigent senior citizens kada buwan kapag nanalo sa halalan.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, naniniwala si Eleazar na panahon na para taasan ang kanilang pensyon para matulungan silang makabili ng kanilang mga pangangailangan, lalo na ang kanilang mga gamot.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga senior citizen ng hindi bababa sa P500 na buwanang pensyon.


Bukod sa dagdag na pensyon, plano rin ni Eleazar na pagbutihin pa ang health services sa mga barangay para rin sa mga senior citizen.

Aniya, kailangan ang maayos na access para sa kanilang pangangailangang medikal para hindi na sila mahirapan pa.

Iginiit pa ni Eleazar na bukas siya na bigyan ng mas maraming trabaho ang mga nakatatanda kung nais pa nilang magtrabaho.

Facebook Comments