Pangulong Duterte, dinepensahan ang pamilya Marcos sa sinasabing ill-gotten wealth

1094

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na wala umanong ill gotten wealth o ninakaw nap era mula sa taumbayan ang pamilya Marcos.

Ayon sa pangulo, wala pa raw namang napapatunayan sa ngayon ang gobyerno na may kinuha ang pamilya ni dating senador at presidential candidate Bongbong Marcos Jr.

Kasunod nito, sinabi pa ng Pangulong Duterte na simple lamang ang pamumuhay ni Marcos, at wala rin daw itong gaanong pera.


Sa kabila niyan, nauna nang sinabi ng Pangulo noong Nobyembre ng nakaraang taon na hindi siya bilib kay Marcos at tinawag pa niya itong weak leader.

Facebook Comments